Thirty days

Sa tingin mo, mahaba o maikli ang isang buwan?

Minsan parang ang tagal matapos ng isang buwan. Tulad na lamang kung may hinihintay ka, ‘yung tipong parang wala kang ibang pwedeng gawin kundi maghintay. Minsan naman parang ang bilis. Lumipas na lang ang mga araw nang hindi mo namamalayan.

Sa buhay ko ngayon, parang nabibilisan ako sa paglipas ng araw. Hindi ko nga namalayan na meron na lang pala akong tatlumpung araw para mabasa, ma-recall at makabisado ang mga napag-aralan ko na dati. Saktong tatlumpung araw na lang kasi magtetake na ako ng board exam. Medyo nahihirapan nga ako. Chill lang kasi akong estudyante dati. Gusto kong pumasa, syempre, pero hindi ako ‘yung tipong subsob talaga sa pag-aaral. ‘Pag napasa ko na ‘yung subject, karamihan dun nakalimutan ko na. Ang dami ko tuloy kailangan aralin ulit.

‘Yung isang buwan na natitira para maaral ko lahat ng kailangang aralin pakiramdaman ko fourth quarter ng isang basketball game, tapos ako ‘yung tambak na team. Tambak na ko ng mga topics na babasahin at formulas na kailangang makabisado. ‘Yung ang dami-dami kong kailangan habulin kung gusto kong manalo ‘pag tumunog na ‘yung buzzer. Ito ‘yung sitwasyon na kailangan manalo sa fourth quarter. No to overtime. Kailangan isang take lang, pasado na. Nakakahiya kasi sa pamilya ko. Kahit hindi nila sabihin para ‘di ako mapressure, alam ko namang gusto na nila akong magtrabaho.

noa

Advertisements

8 responses to “Thirty days

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s